Miidera Temple Cultural Property Museum

Pagprotekta at Pagpasa sa Susunod na Henerasyon ng Masagana at Natitirang Mga Pag-aaring Kultural

Ang Templo Miidera ay ang punong himpilan ng sektang Budismo ng Tendaijimon, na matatagpuan sa Lungsod ng Otsu ng Shiga Prefecture, sa silangang bahagi ng Kyoto malapit sa Lawa ng Biwa, ang pinakamalaking lawa sa Hapon. Ang opisyal na pangalan nito ay "Nagara-san Onjoji," at unang itinayo noong ika-7 siglo na may kaugnayan kay Emperador Tenmu. Nang maglaon ay lumago ito bilang isang pangunahing templo sa ilalim ng pangangasiwa ni Chisho Daishi Enchin (814-891), ang ikalimang punong monghe (zasu) ng Tendai. Ito ay umunlad upang mabilang sa "apat na pangunahing templo ng bansa" at isa sa mga kinatawang templo ng Hapon. Bagaman dumanas ito ng mga pinsala ng maraming digmaan at labanan sa mahabang kasaysayan nito, palagi itong naibabalik sa dating kalagayan kung kaya may pangalang "templo ng phoenix” (ibon na sinasabing walang kamatayan).
Ang malalawak na bakuran ng templo ay umaabot sa halos 350,000 tsubo (o 115 ektarya). Ang mga templo at mga bulwagan nito ay naglalaman ng iba't ibang Pambansang Kayamanan at Mahahalagang Pag-aaring Kultural. Ito ay isa sa mga pinakatanyag na magagandang tanawin sa Omi mula noong sinaunang panahon at ngayon ay itinatangi bilang isang lugar para sa mga bulaklak na cherry blossoms tuwing tagsibol.

PICK UP

VR CONTENTS

3D SCAN