TEXT
READER

Ang Pasukan na Yotsuashimon ay nakatayo ngayon sa harap ng Toin na nakapalibot ng dingding na gawa sa lupa at putik. Nakahanay ito sa Bulwagang Kanjodo, sa Pasukan na Karamon, at sa Bulawagang Daishido sa isang tuwid na linya patungo sa bulubunduking lugar sa kanlurang bahagi ng templo.
Ang Pasukan na Yotsuashimon ay itinayo noong 1624. Una itong itinayo sa istilo na pasukan na may bubong munakado, ngunit kalaunan ay binago sa istilong yotsuashimon (may apat na paa o haligi), at pagkatapos ay idinagdag din ang hikaebashira na pang suporta sa haligi. Kasama ang mga parol ng tandai sa kalsadang bato sa harap ng templo, ang pasukan ay nagbibigay ng isang banal na kapaligiran na naaangkop sa isang kilalang sagradong lugar.

“dingding na gawa sa lupa at putik”

dingding na gawa sa lupa at putik

“Pasukan na Yotsuashimon”

Pasukan na Yotsuashimon

Isang pasukan na may apat na suportang haligi na nakatayo sa harap at likod ng pangunahing haligi. Dahil may apat na haligi, ito ay tinatawag na yotsuashimon, na kung saan ang kahulugan ng yotsuashi ay apat na paa (poste). Ang pasukang ito ay kadalasang ginagamit para sa mga pintuan sa harap ng mga shrine at templo. Ang pangunahing poste na ang hugis ay cylindrical at suportang haligi na may mas manipis na hugis prismo ay karaniwang ginagamitan ng kabalyete na bubong. Ang isang pasukan na may apat na poste sa magkabilang panig na may kabuuang walong poste, ay tinatawag na pasukan na hakkyakumon (pasukan na may walong paa/poste).

munakado

Tinatawag din itong munekado, munamon at munemon. Hindi tulad ng Pasukan na Yotsuahimon, mayroon lamang itong dalawang pangunahing poste na walang mga suportang poste sa harap at likuran.

hikaebashira

Ang haligi na ginagamit para sa suporta ng mga bakod at iba pa. Isang suporta.

tandai

Ang pinakamataas na posisyon sa Ryugi, ang pasalitang eksamen o oral examination na sumusubok sa pagkaunawa ng isang monghe sa doktrina at mga kasulatan ng Budismo. Sa Kogaku Ryugi ng sekta ng Tendai, ang tandai ay pumipili ng paksa ng pagsusulit, ang rissha (ang kumukuha ng pagsusulit) at ang monja (ang nagbibigay ng pagsusulit) ay may sesyon ng tanong at sagot. Ang tandai ang nangangasiwa sa talakayan at nagpapasya kung ang kumukuha ng pagsusulit ay nakapasa o hindi.

Unang taon ng Panahon ng Kanei (1624)