Maganda at Makasaysayang Lugar
Hardin ng Zenpoin
READER
Ang Zenpoin ay isang magarang tirahan ng mga pari at isa sa anim na "Bahay ng mga Dakilang Iskolar" na may kaugnayan sa Templo ng Miidera.
Ang dating maluwang na hardin ay nailathala sa Omi Yochishiryaku [Topograpiya ng Probinsya ng Omi] at ang librong paghahardin na Tsukiyama Niwa-zukuriden [Paggawa ng Landscape na Hardin], mga tanyag na aklat na isinulat sa panahon ng Edo. Ito ay itinalaga bilang isang Maganda at Makasaysayang Lugar noong 1934.
Ngunit dahil sa kalamidad na dulot ng malakas na ulan, ang hardin ay natabunan ng buhangin at lupa noong 1941 at hindi naibalik sa dating kagandahan. Gayunpaman, natagpuan ang isang mapa na may tunay na pagsukat na ginawa ng dalubhasa sa paghahalaman na si Shigemori Mirei, at dahil sa mga kamakailang paghuhukay ay nakumpirma ang hugis ng munting dugatan o pond at iba pang mga mahahalagang bahagi ng hardin at ang mga ito ay nasa maayos na kalagayan. Ang plano upang muling maibalik sa dating kagandahan ang hardin ay sinimulan noong 2017 at inaasahang matapos sa lalong madaling panahon.
- −
- Maagang Panahon ng Edo