“istilo ng arkitekturang Zen”
Isang istilo ng arkitektura na dinala ng mga monghe ng sekta ng Zen mula sa Tsina sa simula ng panahon ng Kamakura. Tinatawag din itong karayo.
“Templo ng Toshunji”
Isang templo ng sekta ng Rinzai na sangay ng Kenninji na matatagpuan sa Mizunoe, Lungsod ng Yamaguchi. Ito ay inilipat mula sa Hagi sa kasalukuyang lokasyon noong ika-4 na taon ng Meiji (1871). Hanggang 1963, ito ang dating lokasyon ng Templo ng Kokushoji na itinatag ni Ouchi Moriharu (1377–1431), isang tangapangalagang pyudal na pinuno noong panahong iyon. Sa looban ng Templo ng Toshunji, nananatili pa rin ang pundasyon ng Issaikyozo na Imbakan ng mga Banal na Kasulatang Budismo na inilipat sa Templo ng Miidera.
“Mori Terumoto”
Si Mori Terumoto (1553–1625) ay isang punong mandirigma noong panahon ng Azuchi-Momoyama. Apo ni Motonari at anak ni Takamoto. Noong una, pinagsilbihan niya si Yoshiaki Ashikaga at kinalaban si Oda Nobunaga. Ngunit pagkatapos ng Insidente ng Honnoji, nakipagkasundo siya kay Hideyoshi Toyotomi at naging isa sa Gotairo (konseho ng limang matatanda). Siya ang kumander heneral ng puwersa sa kanlurang bahagi sa Digmaan ng Sekigahara, at nang siya ay matalo, ang kanyang mga nasasakupan probinsya ay nabawasan, na naiwan lamang sa kanya ang Suo at Nagato.
“katomado”
Ito ay kabilang sa istilong Zen at kadalasan ay gumagamit sa mga pintuang kahoy na tinakpan ng sankarato at ramma o bintanang transom ng shoin o study room. Tinatawag din itong hanaramma (hana ay bulaklak sa wikang Hapon), dahil ang mga pattern ng bulaklak ay inilapat sa kumiko (isang pinong manipis na gawa sa kahoy) sa mga lattice. Ang kumiko na ito ay tinatawag na hanakumiko o hanako.
“hugis alon na yumiramma na lattice”
Isang lattice na ramma o bintanang transom ng kung saan nakahanay ang mga maninipis na kahoy na hugis alon. Tinatawag din itong namiramma.
“kisame na tinakpan ng kahoy”
Isang patag na kisame na may mga takip na tabla na ginamit sa arkitektura ng istilong Zen.
“umiikot na istante”
Isang aparatong paikutan na may walong istante para sa mga sutra scroll na kung saan ang aksis ay nakalagay sa gitna ng bulwagan upang malaya itong umikot. Dito naka-imbak ang issaikyo o mga banal na kasulatan ng Budismo. Iniulat na si Fu Ta-shih ng Hilaga at Katimugang Dinastiya ng Tsina ang nag-imbento nito. Tinatawag din itong tenrizo.
“issaikyo”
Ang pangkalahatang tawag sa mga kasulatang Budismo kabilang ang tatlong pangunahing kategorya ng mga teksto (ang Sutta Pitaka, ang Vinaya Pitaka, at ang Abhidhamma Pitaka) at mga komentaryo.
“kahon na naglalaman ng lacquered sutra”
“kabalyete o gables”
Karaniwang tumutukoy sa tatsulok na bargeboard na matatagpuan sa gilid ng mga gable o kabalyete na bubong kung saan nagtatagpo ang magkabilang gilid ng bubong.