“panahon ng Nara”
Ang panahon ng Heijo-kyo ay ang panahon kung saan ang kabisera ay inilipat sa Nara. Tumagal sa mahigit na 70 taon (710-784) at pitong emperador ang naghari: Genmei, Gensho, Shomu, Koken, Junnin, Shotoku at Konin. Sa kasaysayan ng sining, ang panahon ng Hakuho ay tinatawag na maagang panahon ng Nara at ang panahong binanggit sa itaas ay tinatawag na panahon ng Tenpyo. Nara Court.
“kampana ng templo o Bonsho”
Ang pangalang ginamit sa mga kampana ng templo o bonso, na isang sinaunang instrumentong pangmusika ng Tsina. Ang karamihan ay nakabitin sa kampanaryo at pinatutunog ng kahoy na martilyo ng kampana.
“Musashibo Benkei”
Si Musashibo Benkei (?–1189) ay isang monghe ng maagang panahon ng Kamakura. Ang kanyang pangalan noong bata pa ay Oniwakamaru, isang anak ng Kumano Betto (isang tagapangasiwa ng mga shrine ng Kumano). Isang tanyag na paksa ng alamat ng Hapon tulad ng Gikei-ki (ang mga tala ng Yoshitsune), yokyoku (isang kantang bahagi ng Noh) at kowaka-bukyoku (isang uri ng sinasalaysay na musika ng sayaw). Ayon sa alamat, pinangalanan niya ang kanyang sarili na Musashibo at nanatili sa kanlurang bahagi ng Templo ng Hieizan Enryakuji. Nagsilbi siya kay Minamoto no Yoshitsune at naging tanyag. Tapat siyang nagsilbi kay Yoshitsune kahit sa panahon ng pagbaksak nito. Iniligtas niya sa panganib si Yoshitsune sa checkpoint o himpilang siyasatan ng Ataka. Namatay sa Digmaan ng Koromogawa (Ilog ng Koromo).
“bundok ng Hiei”
Ang bundok sa hilagang-silangan ng Lungsod ng Kyoto, na nasa hangganan ng Kyoto at Shiga Prefecture. Ito ay sikat sa pagiging sagradong bundok ng Ojo Chingo (pagprotekta sa pamilya ng emperador) noong sinaunang panahon. Ito ay may dalawang taluktok sa tagaytay nito: Ohie o Bundok ng O-dake (848 metro) sa silangan at Bundok ng Shimei-dake (839 metro) sa kanluran. Ang punong templo ng sekta ng Tendai, ang Templo ng Enryakuji, ay matatagpuan sa gilid ng bundok sa silangan.
“Tawara no Tota (Hidesato)”
Isang miyembro ng isang makapangyarihang pamilya sa Shimotsuke noong kalagitnaan ng panahon ng Heian (794–1185). Siya ay sinasabing apo ni Fujiwara no Uona, ang Ministro ng Kaliwa (Minister of the Left). Isang konstabularyong militar sa Probinsya ng Shimotsuke. Noong ika-3 taon ng Tengyo (940), natalo niya si Taira no Masakado sa rebelyon, at dahil dito binigyan siya ng posisyon na Gobernador ng Shimotsuke. Maraming alamat tungkol sa kanya: isang dalubhasa ng archery o pamamana at ang pagpuksa ng isang higanteng alupihan sa Bundok ng Mikami. Hindi alan kung kailan siya ipinanganak at namatay.
“panahon ng Kamakura”
Ang pangalan ng panahon na tumagal ng humigit-kumulang 150 taon mula nang itinatag ni Minamoto no Yoritomo ang shogunate sa Kamakura hanggang sa kamatayan ni Hojo Takatoki noong ika-3 taon ng Genko (1333).
“lumang mapa ng bakuran ng Templo ng Onjoji”
Ang isang mapa ng looban ng templo ay iginuhit sa isang pangkat ng limang scroll: ang hilagang seksyon, ang gitnang seksyon, ang timog na seksyon, san-bessho (tatlong sangay) at Templo ng Nyoiji. Iginuhit ito habang isinasaalang-alang ang mga talaan tulad ng "Jimon Denki Horoku" (ang talaan ng templo), ang tanawin ng templo sa huling bahagi ng panahon ng Kamakura. Ito ay isang mahalagang reperensiya na nagpapakita ng posisyon ng mga templo sa looban ng Templo ng Miidera sa medyebal na panahon ng Hapon. Isang Mahalagang Pag-aaring Kultural. Ginawa sa panahon ng Kamakura noong ika-14 na siglo.