TEXT
READER

Ang Aka ay tubig na inaalay kay Buddha. Ang bukal na tubig na dumadaloy mula sa mga bato sa loob ng balon na ito ay inaakalang sagrado, ang tubig nito ay sinasabing ginamit para sa unang paligo sa tatlong emperador, Emperador Tenji, Tenmu at Jito. Dito nagmula ang pangalan ng Templo ng Miidera (Templo ng Tatlong Balon).
Ang Akaiya na Gusali ng Balon ay itinayo noong 1600 upang takpan at protektahan ang sagradong tubig sa bukal. Ang komplikadong disenyo ng gusali ay magandang katangian ng panahon ng Momoyama (1573–1600). Sa harap nito ay may kaerumata na kahoy na may larawan ng isang dragon na inukit ni Hidari Jingoro. Ayon sa isang alamat, ang dragon na ito ay nagwawala gabi-gabi sa Lawa ng Biwa, kaya pinukpok ng pako ni Jingoro ang mata nito upang mapakalma.

“Ang bukal na tubig na dumadaloy mula sa mga bato sa loob ng balon na ito ay inaakalang sagrado”

Ang bukal na tubig na dumadaloy mula sa mga bato sa loob ng balon na ito ay inaakalang sagrado

“Tenji”

Si Emerador Tenji (626-671) ay naghari sa kalagitnaan ng ika-7 siglo. Nakipagsabwatan siya kay Nakatomi no Kamatari upang wasakin ang angkan ng Soga at determinadong isagawa ang mga Taika Reform bilang nakorohanang prinsipe. Noong 661, pagkamatay ng kanyang ina, si Emperatris Saimei, naging emperador nang walang koronasyon. Noong 667, lumipat sa Otsunomiya sa probinsya ng Omi, at umakyat sa trono sa sumunod na taon. Pinahusay niya ang pangangasiwang internal sa pamamagitan ng paglikha ng Kogo-nenjaku (rehistro ng pamilya) at pagsasabatas ng mga Kodigo ng Omi. (naghari ng taong 668-671)

“Tenmu”

Si Emperador Tenmu (?-686) ay naghari sa huling kalahati ng ika-7 siglo. Ang kanyang ibang pangalan ay Amanonunaharaoki no Mahito at Oama. Ang ikatlong prinsipe ni Emperador Jomei, naging monghe at lumipat sa Yoshino upang mamuhay ng maliblib noong taong 671. Pagkamatay ni Emperor Tenji, lumaban at nanalo siya sa Digmaan ng Jinshin (taong 672), at nang sumunod na taon, siya ay umakyat sa trono sa Palasyo ng Asuka Kiyomihara. Nagpatupad siya ng bagong kaayusan sa lipunan (Yakusa no kabane) at ang mga legal na kodigo, binago ang ranggo ng hukuman at sinimulang iwasto ang kasaysayan ng bansa. (naghahari ng taong 673-686)

“Jito”

Emperatris Jito (645-702) ay naghari sa pagtatapos ng ika-7 siglo. Ang pangalawang prinsesa ni Emperor Tenji at emperatris ni Emperador Tenmu. Ang kanyang mga pangalan ay Takamanoharahiro no hime at Uno no sarara. Matapos ang pagkamatay ni Emperor Tenmu, naging emperatris nang walang koronasyon. Pagkamatay ni Prinsipe Kusakabe, siya ang umakyat sa trono. Ang kanyang palasyo ay ang Palasyo ng Fujiwara sa Probinsya ng Yamato. Matapos magbitiw at mailipat ang trono kay Emperador Monmu, tinawag siyang Daijo Tenno (ang titulo para sa isang Emperador ng Hapon na nagbitiw sa trono para sa isang kahalili). (naghari ng taong 690-697)

kaerumata

kaerumata

Isang disenyo ng inukit na kahoy na kung saan ang magkabilang gilid nito ay lumalapad patungo sa ibaba na may mga kurba, tulad ng isang palaka na nakabukaka (kaeru ay palaka at mata ay pundya sa wikang Hapon) at matatagpuan sa pagitan ng dalawang magkadugtong na tahilan. Kung hindi, ang pangalan nito ay iniulat na nagmula sa karimata, ang hugis ng dulo ng palaso, na ang gilid nito ay nahahati sa dalawa.

“Hidari Jingoro”

Isang karpintero na talubhasa sa pagtatayo ng templo o shrine noong unang bahagi ng panahon ng Edo. Dalubhasa sa pag-uukit at arkitektura. Kilala sa maraming anekdota. Ang nemuri-neko sa Shrine ng Toshogu sa Nikko ay sinasabing likha niya, ngunit walang kumpirmasyon. Hindi alam kung kailan ipinanganak at namatay. Nemuri-neko (natutulog na pusa) sa Shrine ng Toshogu sa Nikko

“dragon na inukit”

dragon na inukit
Panahon ng Momoyama (ika-5 taon ng Keichō, 1600)