“sekta ng Tendaijimon”
Ang sekta ng Tendaijimon ay isang Budismong sekta na gumagalang kay Chisho Daishi Enchin (814-891), ang ika-limang punong monghe at nagtatag ng punong templo na Templo ng Miidera (Templo ng Onjoji) sa Lungsod ng Otsu, Shiga Prefecture.
Sa huling kalahati ng ika-10 siglo, ang mga disipulo ni Chisho Daishi ay humiwalay sa sekta ng Tendai, na ang punong templo ay ang Templo ng Enryakuji sa Bundok ng Hiei. Mula noon, ang sekta ng Tendai ay may dalawang sangay, at habang ang sektang Tendai na nakabase sa Bundok ng Hiei ay tinawag na sangay ng Sanmon, ang isa pa ay tinawag na sangay ng Jimon.
“Pangunahing Bulwagan”
Ang pangunahing gusali ng templo kung saan nakalagay ang pangunahing imahen ng templo. Depende sa sekta, ito ay tinatawag na Kondo, Chudo, Butsuden, Mieido o Amidado.
“Emperador Tenji”
Si Emerador Tenji (626-671) ay naghari sa kalagitnaan ng ika-7 siglo. Nakipagsabwatan siya kay Nakatomi no Kamatari upang wasakin ang angkan ng Soga at determinadong isagawa ang mga Taika Reform bilang nakorohanang prinsipe. Noong 661, pagkamatay ng kanyang ina, si Emperatris Saimei, naging emperador nang walang koronasyon. Noong 667, lumipat sa Otsunomiya sa probinsya ng Omi, at umakyat sa trono sa sumunod na taon. Pinahusay niya ang pangangasiwang internal sa pamamagitan ng paglikha ng Kogo-nenjaku (rehistro ng pamilya) at pagsasabatas ng mga Kodigo ng Omi. (naghari ng taong 668-671)
“Toyotomi Hideyoshi”
Isang punong mandirigma noong panahon ng Azuchi-Momoyama. Una niyang pinagsilbihan si Nobunaga Oda, at nang mamatay si Nobunaga dahil sa Insidente ng Honnoji noong ika-10 taon ng Tensho (1582), mabilis siyang gumawa ng pangalan para sa kanyang sarili bilang kahalili, tinalo ang mga kaaway na pwersa at pinag-isa ang bansa. Mula ng ika-11 na taon ng Tensho (1583), sinimulan niya ang pagtatayo ng Kastilyo ng Osaka, na may limang palapag sa labas at walong palapag sa loob, na angkop para sa makapangyarihang pinuno. Habang tinawag siyang Hotaiko, umunlad ang marangyang kultura ng Momoyama, kabilang ang mga seremonya ng tsaa at pagpipinta ng paaralan ng Kano.
Ang relasyon ng Templo ng Miidera at Hideyoshi ay karaniwang mabuti, ngunit noong ika-4 na taon ng Bunroku (1595) at mga huling taon ng kanyang buhay, bigla siyang naglabas ng isang kautusan na kumpiskahin ang lahat ng mga ari-arian ng templo. Pagkamatay ni Hideyoshi noong Agosto ng ika-3 taon ng Keicho (1598), ibinalik ang Templo ng Miidera sa dating kalagayan ng kanyang legal na asawa, si Kita no Mandokoro.
“Kita no Mandokoro”
Sa pangkalahatan, ito ay dating tumutukoy sa mga legal na asawa ng mga maharlikang Sessho (isang rehente na kumikilos sa ngalan ng isang batang Emperador o isang rehenteng emperatris) o Kanpaku (isang punong tagapayo para sa Emperador). Nang maglaon, ginamit ito pantawag kay Kodai-in, ang legal na asawa ni Toyotomi Hideyoshi. Pagkamatay ni Toyotomi Hideyoshi, siya ang gumastos sa pagbabalik sa dating anyo ng Templo ng Miidera at muling pagtatayo ng Pangunahing Bulwagan.
“Bubong na gawa sa balat ng punong cypress”
Bubong na gawa sa balat ng punong cypress na ginagamitan ng pako na gawa ng kawayan para pirmihin o hindi gumalaw.
“gejin (panlabas na santuario), naijin (panloob na santuario), at kojin (apse)”
“Maitreya”
Isang Bodhisattva na magiging kahalili ng Shakyamuni Buddha. Nakatira sa langit na Tusita at magiging Buddha sa hinaharap. Limang trilyon at animnapu at pitong milyong taon pagkatapos ng kamatayan ni Buddha, siya ay lilitaw sa mundo upang makumpleto ang pagligtas sa lahat ng mga nilalang na hindi naligtas ni Buddha ayon sa pangangaral ng Ryuge sanne.