TEXT
READER

Ang gusaling ito ay itinayo noong 1602 ng Docho na punong tagapangasiwa ng Templo ng Miidera at isang miyembrong pandangal ng pamilyang Imperial (jusangu). Ito ay naiiba sa pangkaraniwang kampanaryo dahil mayroon itong anim na haligi, dingding na tabla sa ibaba at latticework sa itaas, kirizuma gabled na bubong at gawa sa balat ng punong cypress.
Ang malaking kampana ng temple o Bonsho, na kilala bilang "Mii Evening Bell" at isa sa Walong Pinakamagandang Tanawin ng Omi (na ngayon ay Shiga Prefecture), ay nakasabit sa kisame ng kampanaryo. Ito ay may lumang istilo at kahawig ng "Benkei Hikizuri bell," na sinasabing hinila ni Musashibo Benkei mula sa Miidera hanggang sa bundok ng Hiei. Isa ito sa tatlong pinakatanyag na kampana sa Hapon dahil sa magandang tunog. Maraming bumibisita sa templo tuwing Bisperas ng Bagong Taon upang marinig ang tunog ng kampana sa gabi habang nagdarasal para sa magandang kapalaran sa darating na taon.

“punong tagapangasiwa”

Titulong ibinibigay sa pinuno at tagapangasiwa ng Templo ng Miidera. Kilala rin bilang Mii-chori at Jimon-chori. Sa kasalukuyan, ang nanunungkulan ay ang ika-163 na henerasyon mula nang hinirang si Chisho Daishi noong unang taon ng Jogan (859). Ang Chori ay orihinal na nagmula sa isang titulong ng opisyal sa Tsina.

“Docho (jusangu)”

Si Docho (1544-1608) ay ipinanganak bilang ikatlong anak ni Konoe Taneie, isang Kanpaku (punong tagapayo ng Emperador). Naging monghe sa Templo ng Miidera at nagsilbing Monzeki (monghe na kabilang sa angkan ng emperador) sa Templo ng Shogoin. Naging Chori (punong tagapangasiwa) ng Templo ng Miidera at Monzeki ng Templo ng Shokoin. Siya ay lubos na pinagkatiwalaan ni Toyotomi Hideyoshi na siya ay hinirang na punong monghe ng Bulwagang Daibutsuden ng Templo ng Hokoji sa Kyoto na itinatag ni Hideyoshi. Tanyag na intelektwal na kumakatawan sa panahon ng Momoyama dahil sa husay sa tula, panitikan at kaligrapya.

kirizuma gabled na bubong”

kirizuma gabled na bubong

Gable na bubong at istilo ng mga gusaling may ganitong mga bubong. Tinatawag ding iraka-zukuri.

“Bubong na gawa sa balat ng punong cypress”

Bubong na gawa sa balat ng punong cypress

Bubong na gawa sa balat ng punong cypress na ginagamitan ng pako na gawa ng kawayan para pirmihin o hindi gumalaw.

“Walong Pinakamagandang Tanawin ng Omi”

Walong pinakamagandang tanawin sa katimugang bahagi ng Lawa ng Biwa. Ginaya sa Walong Pinakagandang Tanawin ng Xiaoxiang sa Tsina. Kabilang dito ang mga sumusunod: ang niyebe sa tagsibol sa Hira, ang paglalayag pabalik sa Yabase, ang taglagas na buwan sa Ishiyama, ang dapit-hapon sa Seta, ang kampana sa gabi sa Miidera, ang nagbabalik na mga ligaw na gansa sa Katata, ang ulap sa ibabaw ng burol sa Awazu, at ang ulan sa gabi sa Karasaki.

“Mii Evening Bell”

Mii Evening Bell

“kampana ng templo o Bonsho”

kampana ng templo o Bonsho

Ang pangalang ginamit sa mga kampana ng templo o bonso, na isang sinaunang instrumentong pangmusika ng Tsina. Ang karamihan ay nakabitin sa kampanaryo at pinatutunog ng kahoy na martilyo ng kampana.

“Benkei Hikizuri bell”

Benkei Hikizuri bell

“tatlong pinakatanyag na kampana sa Hapon”

Ang bawat kampana ay tinatawag ng mga sumusunod: "tunog ng Templo ng Miidera" dahil sa ganda ng tunog ng kampana ng templo o bonsho, "hugis ng Templo ng Byodoin" dahil sa magandang hugis at dekorasyon nito, at "inskripsiyon ng Templo ng Jingoji" dahil sa mga pangunahing manunulat ng panahong iyon na nag laan ng paunang salita, inskripsiyon at kaligrapya.Tinatawag din itong "tatlong pinakadakilang kampana" na kumakatawan sa kampana ng templo ng Hapon.

“tunog ng kampana sa gabi habang nagdarasal para sa magandang kapalaran sa darating na taon”

tunog ng kampana sa gabi habang nagdarasal para sa magandang kapalaran sa darating na taon
Panahon ng Momoyama (Ika-7 taon ng Keichō, 1602)