Mahalagang Pag-aaring Kultural
Pinta sa Screen ng Kangakuin na Bulwagan ng Mga Panauhin
READER
Ang Kangakuin na Bulwagan ng Mga Panauhin (Karugtong na Gusali para sa mga Panauhin), na itinalaga bilang Pambansang Kayamanan, ay nagtatampok ng mahahalagang pinta sa screen ng dalawang silid sa timog na bahagi ng gusali na ipininta sa huling bahagi ng panahon ng Momoyama noong ika-16 na siglo. Ang mga ito ay nilikha ni Kano Mitsunobu at kumakatawan sa mga artistikong istilo ng panahong ito. Si Mitsunobu ay ang panganay na anak ni Kano Eitoku, na nagsilbing opisyal na pintor ng mga warlord na sina Oda Nobunaga at Toyotomi Hideyoshi. Si Mitsunobu, kasama ang kanyang ama, ay nagpinta sa mga partisyon ng mga silid ng Kastilyo ng Azuchi. Nang namatay ang kanyang ama, patuloy siyang nagpinta ayon sa kahilingan ng naghaharing mga pamilyang Toyotomi at Tokugawa.
Ang 15-pirasong screen ng shikikaboku-zu o Mga Bulaklak At Puno ng Apat na Panahon sa ichi-no-ma o unang silid ng Kangakuin na Bulwagan ng Mga Panauhin, na pinta na ginamitan ng kulay at tinta sa gintong background o kinji chakushoku, ay ang pinakatanyag na pinta ni Mitsunobu at itinuturing na pinakamahalagang halimbawa ng pagpipinta sa dingding noong panahon ng Momoyama.
Sa harapan ng malaking alcove na o-yuka ay makikita ang isang tagpo ng taglamig na may pinta ng talon at mga bundok na natatakpan ng niyebe. Sa kanan ay ang mga pinta ng puno ng sirwelas o plum at sakura na kumakatawan sa tagsibol, at nagpapatuloy sa mga rododendro sa tubig. Sa timog na bahagi, ang mga pintuang kahoy na mairado ay pinalamutian ng mga pinta ng mga bulaklak ng haydrangeya, iris at puno na may dahon ng taglagas, na naglalarawan ng pagbabago ng panahon mula tag-araw hanggang taglagas. Ang pagbabago ng apat na panahon ay naibuod sa matahimik at kaaya-ayang mga pinta sa dingding ay sagisag ng talino ni Mitsunobu.
Ang ni-no-ma o ikalawang silid at nagtatampok ng 24 na screen na pinta ng mga bulaklak at ibon na gumagamit ng mga kulay sa pangkaraniwang papel o shihon chakushoku. Ang mga puno ng pino ay ang sentro ng pinta at ang mga sanga nito at umaabot mula sa hilagang-kanlurang sulok hanggang sa magkabilang bahagi sa kaliwa at kanan. Sa ilalim ng mga puno ay may ibon, pato at mandarin na pato. Makikita rin ang mga pinta ng ibon tulad ng maya sa kawayan, mga wagtail sa mga batuhan at mga heron sa mga tambo sa tabi ng tubig. Ang mga ito ay naglalarawan ng likas na tanawin na nagpapahayag ng kasigla-siglang pakiramdam.