Mahalagang Pag-aaring Kultural
Mga Pinta ng Screen ng Kojoin na Bulwagan ng Mga Panauhin (25 Mga Screen)
READER
Ang mga pinta ng paaralan ng Kano ay napanatili sa dalawang silid sa timog na halera ng Kojoin na Bulwagan ng mga Panauhin. Ang mga magagandang pinta ay nagpapakita ng mga katangian ng huling yugto ng panahon ng Momoyama (1573–1600). Ang Matsu ni Taki Zu (Puno ng Pino at Talon), pinta na ginamitan ng kulay at tinta sa gintong background o kinji chakushoku, na makikita sa alcove ng silid na ichi-no-ma ay nagpapakita ng karaniwang istilo ng pagpipinta sa screen sa panahong iyon. Ang Kikka Zu (Bulaklak na Krisantemo) sa itaas na bahagi ng tsuke-shoin alcove ay isa pang magandang serye ng mga pinta na halos kamukha ng istilo ni Kano Sanraku, na ayon sa templo ang siyang nagpinta nito.
Ang mga pinta ng screen sa labindalawang fusuma o sliding door sa silid na ni-no-ma ay gumagamit ng mga kulay sa pangkaraniwang papel o soji chakushoku, upang mailarawan ang mga bulaklak at ibon ng apat na panahon. Sa apat na mga screen sa hilagang bahagi ay nakalarawan ng panahon ng tagsibol at tag-araw, na may mga puno ng pino na ipinamahagi sa dalawang kaliwang screen habang ang mga malalaking bulaklak ng peony sa tabing tubig at ang lumilipad na himpapalis o ibong swallow ay makikita sa dalawang kanang screen. Sa apat na screen sa kanlurang bahagi ay nagbabago ang panahon sa taglagas at taglamig, na naglalarawan ng mga bulaklak na sasanqua, krisantemo at sinamahan ng mga pato at pato ng mandarin, habang sa bandang likuran ay may isang bundok na tatatakpan ng niyebe. Ang lahat ng mga ito ay nakakaakit ng pansin bilang isang pangkat ng pinta na nagpapakita ng sariling katangian kahit na ihambing sa iba pang mga pinta na gawa ng paaralan ng Kano.