Maganda at Makasaysayang Lugar
Hardin ng Kojoin
READER
Ang malawak na hardin na ito ay nasa timog na bahagi ng Kojoin na Bulwagan ng Mga Panauhin at isang halimbawa ng hardin na chisen kanshoshiki, isang istilong nagtatampok ng isang landas sa paligid ng munting dugatan o pond. Ito ay isang halimbawa ng isang kahanga-hangang hardin at itinampok sa Tsukiyama Niwa-zukuriden, isang aklat sa paghahalaman mula sa panahon ng Edo. Ito ay itinalaga bilang isang Maganda at Makasaysayang Lugar noong 1934.
May isang isla sa gitna ng munting dugatan na konektado sa ibang bahagi ng hardin sa pamamagitan ng isang tulay ng bato. Makikita rin ang ilang mga batong yodomari na nakakalat sa munting dugatan upang magmukhang mga isla. Sa gitnang timog-kanlurang bahagi ay may mga nakatayong bato ay pinagsama upang magmukha itong natuyong "talon". Samantala, isang artipisyal na burol ang gumagamit ng natural na topograpiya at ang lilim mula sa mga puno ay nagdaragdag pa ng kakaibang kapaligiran sa munting dugatan. Ang tubig na umaabot hanggang sa ilalim ng beranda ng bulwagan ng mga panauhin at ang parang pinag-isang hardin at gusali ay lumilikha ng isang mapayapa at tagong kapaligiran.
- −
- Panahon ng Muromachi