Mahalagang Pag-aaring Kultural
Jikido (Shakado) na Silid Kainan
READER
Sa gusaling ito, na kasalukuyang tinatawag na Shakado, ay nakalagay ang estatwa ng Shaka Nyorai (Gautama Buddha) ayon sa estilo ng Templo ng Seiryoji. Ang entabladong shumidan ay mula sa panahon ng Muromachi (1336–1573) at mayroong dekorasyon na mga hinulmang kurigata at inukit na talulot ng bulaklak na lotus sa itaas at ibaba ng entablado, at sa gitna ng kozama panel ay may komplikadong desenyo ng arabesque na openwork. Ang bubong ng hagdan na may karahafu bargeboards ay idinagdag sa gusali noong 1830. Ang tawag dito ngayon ay Shakado.
Sinasabi na ang Bulwagang Seiryoden ng Imperial Palace sa Kyoto ay inilipat sa Templo ng Miidera. Ito ay isang simpleng arkitektura ng gusaling tirahan na may rafter na hanshige-daruki at bubong na gawa sa balat ng punong cypress. Ngayon, ito ay nagbibigay ideya kung ano ang hitsura ng isang silid-kainan sa isang malaking templo sa medyebal na panahon ng Hapon.
- −
- Panahon ng Muromachi