TEXT
READER

Ang Shinra Zenshindo ay isa sa mga shrine na nagsisilbing tagabantay at tagapamalaga ng Templo ng Miidera at ang sentrong gusali sa hilagang bahagi ng bakuran ng templo. Ang kasalukuyang gusali ay naibalik sa dating kalagayan ni Ashikaga Takauji noong 1347. Ito ay may katangi-tanging hugis na bubong na gawa sa balat ng punong cypress at ang harap na bubong at eaves ay ipinaabot pa sa harapang hagdan ng gusali at ang istilo ng istrakturang ito ay tinatawag na nagare-zukuri.
Sa loob ng gusali ay makikita ang entabladong shumidan, ang isang maliit na dambana na walang pintura at ang estatwa ng nakaupong Shinra Myojin (God of Silla), na itinalaga bilang isang Pambansang Kayamanan ng Hapon. Sinasabing ang estatwa at nakita ni Enchin (pagkamatay ay kilala bilang Chisho Daishi, ang nagtatag ng Templo ng Miidera) sa barko na sinakyan pabalik sa Hapon mula sa Tsina.
Sa panahon ng Heian (794–1185), ipinagdiwang ang pagdating sa tamang edad ng pangatlong anak ni Minamoto no Yoriyoshi, pinuno ng sangay ng Kawachi Genji ng pamilyang Minamoto, na si Yoshimitsu sa harap ng Shinra Myojin. Binigyan siya ng pangalang Shinra Saburo Yoshimitsu at dahil dito, iginagalang ng pamilyang Minamoto at ng pamilyang Ashikaga, na kapwa nagmula sa sangay ng Kawachi Genji ng Minamoto ang Templo ng Miidera.

“shrine na nagsisilbing tagabantay at tagapamahala”

Isang shrine na itinayo upang protektahan ang mga templong Budismo.

“hilagang bahagi ng bakuran ng templo”

hilagang bahagi ng bakuran ng templo

“Ashikaga Takauji”

Si Ashikaga Takauji (1305–1358) ay ang unang shogun ng Muromachi Shogunate (nanungkulan mula 1338 hanggang 1358). Ang isa sa karakter na kanji ng tunay na pangalan ni Emperador Gogaigo ay "Taka" at ginamit sa karakter na kanji na iyon sa kanyang pangalan, Takauji. Sa Digmaan Noong Panahon ng Genko (Genko War), winasak ni Takauji si Rokuhara (ang kampo ng mga pinuno ng Kamakura Shogunate) at naging daan para sa Pagpapanumbalik ng Kenmu (Kenmu Restoration). Nang maglaon ay naghimagsik siya laban kay Emperador Godaigo at sinuportahan si Emperador Komyo. Siya ay naging Seii Taishogun (shogun) at itinatag niya ang Muromachi Shogunate.

“Bubong na gawa sa balat ng punong cypress”

Bubong na gawa sa balat ng punong cypress

Bubong na gawa sa balat ng punong cypress na ginagamitan ng pako na gawa ng kawayan para pirmihin o hindi gumalaw.

“nagare-zukuri”

nagare-zukuri

Isa sa mga tradisyonal na istilo ng pagtatayo ng mga pangunahing shrine. Ito ay nailalarawan sa pamamagitan ng isang gable na bubong (kirizuma-zukuri) na may kurbadong gilid, at ang pangunahing pasukan ay nasa gilid na kaharera ng tagaytay ng bubong. Ang bubong sa harap ay mas mahaba kaysa sa kabilang panig at naka-usli ng palabas.

“Chisho Daishi”

Chisho Daishi

Ipinanganak sa Lungsod ng Zentsuji, sa kasalukuyang Kagawa Prefecture noong ika-5 taon ng Konin (814). Ang ama ay mula sa angkan ng Wake at ang ina ay pamangkin ni Kukai. Pumunta siya sa Bundok ng Hiei sa edad na 15 at naging alagad ni Gishin (778-833). Sa edad ng 40, pumunta siya sa Tang (Tsina) noong ika-3 taon ng Ninju (853), nag-aaral ng Tendai at esoterikong Budismo sa Bundok ng Tendai at Chang’an. Nang lumaon, itinuro niya sa ibang tao ang kanyang pinag-aralan pagkabalik sa Hapon. Inimbak niya ang mga banal na kasulatan na dinala mula sa Tang sa Bulwagan ng Toin at nanungkulan bilang unang punong tagapangasiwa. Pagkatapos ay nagtatag siya ng isang pundasyon upang isulong ang Templo ng Miidera sa pangunahing templo ng sangay na Jimon sa pamamagitan ng paghirang sa Templo ng Miidera bilang isang sangay na templo ng sekta ng Tendai. Siya ay hinirang bilang ikalimang punong monghe ng Tendai noong ika-10 taon ng Jogan (868) at inialay ang kanyang sarili sa kaunlaran ng Budismo sa loob ng mahigit na 23 taon. Namatay siya noong Oktubre 29 ng ika-3 taon ng Kanpyo (891).

“Shinra Myojin”

Shinra Myojin

Ang diyos na tagapag-alaga ng Templo ng Miidera. Ang naka-upong estatwa ng Shinra Myojin ay itinalaga bilang isang Pambansang Kayamanan dahil ito ay isang natatanging estatwa ng diyos na ginawa noong panahon ng Heian. Ang maringal na diyos na ito ay lumilitaw sa koleksyon ng kuwento ng panahon ng Kamakura na Kokon Chomonju ay nirerespeto ng mga sinaunang tao. Bilang karagdagan, si Minamoto no Yoshimitsu ay naging deboto ng Shinra Myojin at pinangalanan ang kanyang sarili na "Shinra Saburo", dahil dito naging diyos na tagapag-alaga ito ng pamilyang Minamoto.

“panahon ng Heian”

Ang panahon ng Heian ay tumagal ng halos 400 taon sa pagitan ng paglipat ng kabisera ni Emperador Kanmu noong 794 at pagtatatag ng Kamakura Shogunate noong 1185, at ang sentral na administrasyon ay nasa Heian-kyo (sa kasalukuyang Kyoto). Ito ay nahahati sa tatlong panahon: ang una, gitna, at huling bahagi ng pahahon ng Heian. Sa madaling salita, ang panahon ng muling pagbuhay sa sistemang pampulitika batay sa mga kodigo ng Ritsuryo, ang panahon ng pansamantalang pamumuno at ang panahon ng Insei (pamamahala ng isang retiradong emperador), ayon sa pagkakabanggit. (Ang katapusan ng huling bahagi ng pahanon ng Heian ay pinamunuan ng angkan ng Taira.) Tinatawag ding panahon ng Heian Court.

“Kawachi Genji”

Ang Kawachi Genji ay mga miyembro ng isang linya ng pamilya sa loob ng angkan ng Seiwa Genji na nakabase sa Tsuboi, Distrito ng Ishikawa, Probinsya ng Kawachi Province (na kasalukuyang ay Tsuboi, Lungsod ng Habikino, Osaka Prefecture). Nang maglaon, tinawag silang Kawachi Genji dahil si Minamoto no Yorinobu, ang unang ninuno ng Kawachi Genji, ay itinalaga bilang gobernador ng probinsiya ng Kawachi noong ika-4 na taon ng Kannin (1020). Ang tatlong henerasyon kasama ang kanyang sarili at ang kanyang mga inapo—si Yorinobu, Yoriyoshi, at Yoshiie ay tumira doon.
Sinasabing si Yoshimitsu (1045–1127) ay nagtayo ng Templo ng Konkoin sa hilagang bahagi ng Templo ng Miidera at hinirang ang kanyang anak na si Kakugi bilang punong monghe. Ang libingan ni Yoshimitsu ay matatagpuan sa burol sa likod ng Shrine ng Shinra Zenshindo.

Panahon ng Nanbokuchō (Ika-3 taon ng Jōwa, 1347)