TEXT
READER

Ang Goho Zenshindo ay isa sa mga shrine na nagsisilbing tagabantay at tagapamahala ng Templo ng Miidera. Ang kasalukuyang istraktura ay itinayong muli noong 1727. Makikita dito ang nakatayong estatwa ng Goho Zenshin, isang Mahalagang Pag-aaring Kultural.
Ang Goho Zenshin ay katumbas ng diyos na Kishimojin, na kilala rin bilang Kariteimo. Ang Sendango Festival ay ginaganap upang gunitain ang muling pagtatayo ni Ashikaga Takauji ng shrine noong 1363 at patuloy na ginaganap hanggang sa kasalukuyan. 1,000 matamis na dumplings na gawa sa bigas (sendango) ay inaalay sa mga 1,000 anak ng Kishimojin. Ang pag-aalay ay bahagi ng isang ritwal at pagdarasal para sa ligtas na panganganak ng mga buntis at ligtas na paglaki ng mga bata.
Ginaganap din ang Hojo-e sa Munting Dugatan ng Hojo na nasa harap ng shrine. Dito isinusulat ng mga magulang ang mga pangalan ng kanilang mga anak sa mga talukab o shell ng pagong at pinakawalan nila sa munting dugatan o pond. Ang pagdiriwang na ito ay isang simbolo ng lungsod ng Otsu na may higit sa 600 taong kasaysayan.

“shrine na nagsisilbing tagabantay at tagapamahala”

Isang shrine na itinayo upang protektahan ang mga templong Budismo.

“nakatayong estatwa ng Goho Zenshin”

nakatayong estatwa ng Goho Zenshin

Ang estatwa ay inukit sa isang pirasong kahoy ng cypress, gumamit ng mababaw na paraan ng paag-ukit, hindi gaanong labis na drapery ng damit na sa kabuuan ay nagbibigay ng malumanay na istilo. Inilalarawan bilang isang nakatayong diyosa na nakasuot ng damit na istilong Tang (ng Tsina) na may hawak na prutas na granada sa kaliwang kamay. Ito ay isang Mahalagang Pag-aaring Kultural na ginawa noong panahon ng Heian (ika-12 siglo). Gawa sa kahoy at pininturahan. May taas na 159.1 cm.

“Kishimojin”

Anak na babae ni Yaksha, isang diyos sa Rajgir. Sinasabing nagsilang siya ng isang libong na bata (minsan ay sinasabing sampung libo). Dinukot at kinain ang mga anak ng ibang tao, kaya itinago ng Buddha ang kanyang pinakamamahal na bunsong anak upang mabago ang kanyang mga paraan. Pagkatapos noon, siya ay naging isang mabait na diyosa at tinupad ang mga panalangin para sa mga gustong magka-anak, ligtas na panganganak at pangangalaga sa mga bata. Pinoprotektahan din niya ang mga taong nakaalala sa pagtuturo ng Lotus Sutra. Ang estatwa ay may hitsura ng isang makalangit na nimpa na nakahawak sa isang bata sa kanyang dibdib at prutas na granada sa kamay o isang demonyo na may galit na mukha. Kilala rin bilang Kangimo at Kariteimo.

“Ashikaga Takauji”

Si Ashikaga Takauji (1305–1358) ay ang unang shogun ng Muromachi Shogunate (nanungkulan mula 1338 hanggang 1358). Ang isa sa karakter na kanji ng tunay na pangalan ni Emperador Gogaigo ay "Taka" at ginamit sa karakter na kanji na iyon sa kanyang pangalan, Takauji. Sa Digmaan Noong Panahon ng Genko (Genko War), winasak ni Takauji si Rokuhara (ang kampo ng mga pinuno ng Kamakura Shogunate) at naging daan para sa Pagpapanumbalik ng Kenmu (Kenmu Restoration). Nang maglaon ay naghimagsik siya laban kay Emperador Godaigo at sinuportahan si Emperador Komyo. Siya ay naging Seii Taishogun (shogun) at itinatag niya ang Muromachi Shogunate.

“Sendango Festival”

Sendango Festival

“Munting Dugatan ng Hojo”

Munting Dugatan ng Hojo

“Hojo-e”

Hojo-e
Panahon ng Edo (Ika-12 Taon ng Kyōho, 1727)