“Saigoku Kannon Pilgrimage”
Ang ruta ng pilgrimage para sambahin ang Kannon sa pamamagitan ng pagbisita sa 33 templong Budismo na matatagpuan sa Gifu Prefecture at iba pang anim na prefecture ng Rehiyon ng Kinki. Ito ang pinakamatandang pilgrimage sa Hapon at binibisita pa rin ng maraming mananamba. Ang mga pinakalumang kasulatan ay ang mga tala ng paglalakbay sa pilgrimage na isinulat sa "Jimon-Koso-ki" (ang mga talaan ng mataas na grado ng mga monghe ng sangay na Jimon) nina Gyoson (1055–1135) at Kakuchu (1118–1177). Pareho silang monghe sa Templo ng Miidera noong panahon ng Heian (794–1185), at ang Templo ng Miidera ay lubos na nakaimpluwensya sa pagbuo ng Saigoku 33 Kannon Pilgrimage. Naging tanyag ang Saigoku Kannon Pilgrimage sa mga tao noong panahon ng Muromachi (1336–1573) pasulong. Ang iba pang mga ruta ng pilgrimage tulad ng Bando 33 Kannon Pilgrimage sa Rehiyon ng Kanto at ang Chichibu 34 Kannon Pilgrimage ay sinasabing ginaya sa Saigoku Kannon Pilgrimage. Ito ay itinalaga bilang isang lugar na Pamana ng Hapon (Japan Heritage) noong 2019 bilang "Saigoku 33 Kannon Pilgrimage—isang paglalakbay bilang paghahanda sa pagtatapos ng buhay (end-of-life activity) na may 1300 taong kasaysayan".
“Lawa ng Biwa”
Ang magandang lawa na nalikha ng geological fault ay matatagpuan sa gitna ng Shiga Prefecture. Ito ang pinakamalaking lawa sa Hapon na may lawak na 670.3 kilometro kwardrado. Ang may elevation na 85 metro mula sa ibabaw ng dagat at 104 metro ang lalim ng pinakamalalim na bahagi. Ang tubig nito ay dumadaloy sa maraming lugar at ginagamit sa mga gawain na may kinalaman sa tubig, irigasyon, transportasyon, paggawa ng kuryente at pangingisda. Ito ay mayroong ilang mga isla tulad ng Oki-shima, Chikubu-shima, Take-shima, at Okinoshiraishi. Tinatawag ding dagat ng Omi at Nionoumi.
“timog na bahagi ng bakuran ng templo”
“Emperador Gosanjo”
Si Emperador Gosanjo (1034-1073) ay ang emperador noong gitnang panahon ng Heian. Siya ang pangalawang prinsipe ni Emperador Gosuzaku at ang pangalan niya ay Takahito. Sinugpo niya ang di-makatwirang paggamit ng kapangyarihan ng angkan ng Fujiwara at itinatag ang tanggapan ng talaan upang ayusin ang mga tirahan upang ituwid ang mga pang-aabuso sa pulitika. (Naghari noong 1068–1072)
“estatwa ng nakaupong Nyoirin Kannon”
Estatwa na may isang mukha at anim na braso. Ito ay ginawa sa papamagitan ng yosegi-zukuri (binuo sa mga piraso ng kahoy), may inukit na mga mata at natatakpan ng manipis na gintong palara sa lacquer na istilong Hapon. Ang bilugang mukha na nakatagilid sa kanan, ang likod ng daliri ng kanang kamay na nasa bandang pisngi at ang nakataas na kanang tuhod na hitsura nito ay matikas at maganda. May malalaking openwork na korona sa ulo at ang palamuting kwintas ay idinagdag pagkaraan ng ilang panahon.
“Pangunahing Bulwagan o Shodo at ng Bulwagang Raido na konektado ng pasilyo o ai-no-ma”
“bubong na baldosa o tile”
Ito ay isang paraan ng pagbububong na ginamitan ng dalawang uri ng baldosa o tisa (ang mga concaved na hugis at mga semi-cylindrical convex na hugis) na salit-salit na pagkakasalansan. Ang paraang ito ay may mahabang kasaysayan at ginamit mula ng itayo ang Templo ng Asukadera bilang unang awtentikong templo ng Hapon na itinayo sa huling bahagi ng ika-6 na siglo.