TEXT
READER

Ang gusaling ito ay itinayo noong 1616 sa loob ng Nanshobo sa Templo ng Bizoji, isa sa limang sangay ng Templo ng Miidera. Inilipat ito sa timog na bahagi ng bakuran ng Templo ng Miidera noong 1909. Muli itong inilipat at itinayo sa kasalukuyang lokasyon nito noong 1956.
Ang Bishamondo ay isang bulwagan ng Budismo na may rebulto ng Bishamonten (Vaisrovana sa Sanskrit). Ang gusali ay may disenyo ng istilo ng arkitekturang Zen at isinasama rin ang mga elemento ng eclecticismo na makikita sa paggamit nito ng mga katangiang Hapon tulad ng mga kumimono na kahoy na bracket. Ang hugis-bulaklak na hanazama latticework at iba pang mga disenyo sa pintuang kahoy na sankarato sa harap ng gusali ay mga katangian ng panahon ng Momoyama (1573–1600). Dahil sa pagsasaayos na isinagawa noong 1989, naibalik sa dating marangya at makulay na dekorasyon ang gusali.

“limang sangay ng Templo ng Miidera”

Ang mga sangay ng Templo ng Miidera ay itinayo sa paligid ng pangunahing templo mula sa panahon ng Heian upang hangga't maaari ay mailigtas ang mas maraming tao. Ang limang sangay ay binubuo ng mga Templo ng Gonshoji, Bimyoji, Bizoji, Suikanji at Jozaiji. Ang mga ito ay tinatawag na gobessho.
Dati, ang bessho (sangay ng temple) ay isang relihiyosong pasilidad na matatagpuan sa isang banal na lugar na malayo sa orihinal na lugar sa ilalim ng proteksyon ng isang malaking templo. Ito rin ang lugar kung saan nagtitipon ang mga ermitanyo (mga taong namumuhay ng mag-iisa bilang isang relihiyosong disiplina), pati na rin ang mga monghe sa bundok at mga birtuosong tao na naglakbay sa buong bansa.

“Templo ng Bizoji”

Isa sa limang sangay ng Templo ng Miidera. Sinasabing ang nagtatag nito ay si Keiso Ajari (955-1019) ng Templo ng Miidera ang naglagay ng estatwa ng Kannon na may labing-isang mukha bilang pangunahing imahe ng templo noong panahon ng Heian. Ang estatwa ay dating matatagpuan sa Templo ng Shigadera na may koneksyon kay Emperador Tenji. Dinaksa ito ng mga mananamba na nagnanais ng banal na pagpapala noong panahon ng Edo (1603–1868). Sinasabing natatangal ang sumbrero ng mga mananamba sa sikip at dami ng tao kaya ang Kannon ay tinawag na "Kasanuge no Kannon" (ang kasa ay sumbrero at nuge ay natanggal sa wikang Hapon). Sa kasalukuyan, ito ay itinalaga bilang isang Mahalagang Pag-aaring Kultural at naka-eksibit sa Imbakan ng mga Pag-aaring Kultural ng Templo ng Miidera. Ang Templo ng Bizoji ay giniba noong panahon ng Meiji at ang lugar ay ginawang Liwasan ng Nagara ng Lungsod ng Otsu. Noong ika-7 taon ng Heisei(1995), binuksan ang Nagara Crafts Pavillion-Mitsuhashi Setsuko Art Museum sa nasabing lugar Lungsod ng Otsu at ang liwasan ay umaakit ng maraming tao dahil sa masaganang kalikasan nito at malapit sa sentro ng lungsod.

“istilo ng arkitekturang Zen”

Isang istilong arkitektura na dinala ng mga monghe ng sekta ng Zen mula sa Tsina noong unang bahagi ng panahon ng Kamakura. Tinatawag din itong karayo.

kumimono

kumimono

Ito ay karaniwang matatagpuan sa tuktok ng isang haligi. Ang istraktura nito ay magkasalabid na mga bloke at bracket sa sumusuporta sa eave purlin na sumusuporta naman sa rafter o tahilan. Tinatawag din itong tokyō o masugumi.

“Bishamonten”

Bishamonten

Isa sa Apat na Makalangit na Hari at isa rin sa mga labindalawang deva. Sinasabing siya ay nakatira sa kalagitnaan ng hilaga ng Bundok Sumeru at pinoprotektahan ang hilagang direksyon kasama sina Yaksha at Rakshasa. Siya rin ay sinasabing diyos na nangangalaga sa mga kayamanan. Siya ay inilalarawan bilang isang mandirigma na galit ang mukha at nakasuot ng armor o baluti, may hawak na pagoda sa isang kamay at isang sibat sa kabilang kamay. Isa sa Pitong Diyos ng Magandang Kapalaran (shichifukujin) sa Hapon. Tinatawag din siyang Tamonten, at ang pangalang ito ay karaniwang ginagamit upang ibilang ang Apat na Makalangit na Hari. Ang isa pang pangalan ay Kubira (Kubera sa Sanskrit), na siyang panginoon ng kayamanan sa mitolohiyang Hindu.

sankarato

sankarato

Isang pinto na may manipis na panel at lattice na renji na nakalagay sa mga maliit na frame sa panlabas na frame ng pinto.

hanazama

hanazama

Ito ay kabilang sa istilong Zen at kadalasan ay gumagamit sa mga pintuang kahoy na may panel na sankarato at ramma o bintanang transom ng shoin o study room. Tinatawag din itong hanaramma (hana ay bulaklak sa wikang Hapon), dahil ang mga pattern ng bulaklak ay inilapat sa kumiko (isang pinong manipis na gawa sa kahoy) sa mga lattice. Ang kumiko na ito ay tinatawag na hanakumiko o hanako.

“panahon ng Momoyama”

Isa sa mga klasipikasyon ng mga panahon ng Hapon. Ang humigit-kumulang 20 taon ng panahon habang si Toyotomi Hideyoshi ay namumuno noong huling bahagi ng ika-16 na siglo. Sa kasaysayan ng sining, ito ay mahalaga bilang isang panahon ng transisyon mula sa medyebal na panahon hanggang sa maagang modernong panahon, kabilang ang panahon ng Azuchi-Momoyama hanggang sa unang bahagi ng panahon ng Edo. Sa partikular, binuo ang pagtatayo ng mga kahanga-hangang mga kastilyo, mga palasyo, mga shrine at mga templo, at ang mga pintura sa screen na nagpapalamuti sa loob ng mga gusaling ito. Gayundin, kapansin-pansin ang pag-unlad ng mga pagpipinta ng genre na nagpapakita ng buhay ng mga tao at ang pag-unlad ng mga teknik sa paggawa ng mga keramika, mga lacquer, pagtitina at paghahabi.

Panahon ng Edo (ika-2 taon ng Genna, 1616)