TEXT
READER

Ang gusaling ito ay binuksan sa publiko noong Oktubre 2014 upang gunitain ang ika-1200 taong kaarawan ni Chisho Daishi, ang nagtatag ng Templo ng Miidera.
Ang gusaling ito ay bukas sa publiko at itinatanghal ang mga pinta na iginuhit sa screen sa Kangakuin na Bulwagan ng mga Panauhin ni Kano Mitsunobu na kinikilalang isa sa mga pinakamahalagang likhang sining ng panahon ng Momoyama (1573-1600). Itinatanghal din ang estatwa ng Kannon na may labing-isang mukha, ang nakaupong estatwa ni Kariteimo (Kishimojin), ang nakatayong estatwa ni Kisshoten (Sri Mahadevi sa Sanskrit), ang nakaupong estatwa ni Chisho Daishi at iba pang mga larawan, estatwang Buddha at artcrafts na pawang mga Mahalagang Pag-aaring Kultural.
Ang gusali ay nagsisilbing isang pasilidad upang pangalagaan ang mga naka-imbak na Mahalagang Pag-aaring Kultural at ipakilala sa mga susunod na henerasyon ang kultura at ang mahigit sa 1300 taong kasaysayan ng Templo ng Miidera.

“Chisho Daishi”

Chisho Daishi

Ipinanganak sa Lungsod ng Zentsuji, sa kasalukuyang Kagawa Prefecture noong ika-5 taon ng Konin (814). Ang ama ay mula sa angkan ng Wake at ang ina ay pamangkin ni Kukai. Pumunta siya sa Bundok ng Hiei sa edad na 15 at naging alagad ni Gishin (778-833). Sa edad ng 40, pumunta siya sa Tang (Tsina) noong ika-3 taon ng Ninju (853), nag-aaral ng Tendai at esoterikong Budismo sa Bundok ng Tendai at Chang’an. Nang lumaon, itinuro niya sa ibang tao ang kanyang pinag-aralan pagkabalik sa Hapon. Inimbak niya ang mga banal na kasulatan na dinala mula sa Tang sa Bulwagan ng Toin at nanungkulan bilang unang punong tagapangasiwa. Pagkatapos ay nagtatag siya ng isang pundasyon upang isulong ang Templo ng Miidera sa pangunahing templo ng sangay na Jimon sa pamamagitan ng paghirang sa Templo ng Miidera bilang isang sangay na templo ng sekta ng Tendai. Siya ay hinirang bilang ikalimang punong monghe ng Tendai noong ika-10 taon ng Jogan (868) at inialay ang kanyang sarili sa kaunlaran ng Budismo sa loob ng mahigit na 23 taon. Namatay siya noong Oktubre 29 ng ika-3 taon ng Kanpyo (891).

“Momoyama”

Isa sa mga klasipikasyon ng mga panahon ng Hapon. Ang humigit-kumulang 20 taon ng panahon habang si Toyotomi Hideyoshi ay namumuno noong huling bahagi ng ika-16 na siglo. Sa kasaysayan ng sining, ito ay mahalaga bilang isang panahon ng transisyon mula sa medyebal na panahon hanggang sa maagang modernong panahon, kabilang ang panahon ng Azuchi-Momoyama hanggang sa unang bahagi ng panahon ng Edo. Sa partikular, binuo ang pagtatayo ng mga kahanga-hangang mga kastilyo, mga palasyo, mga shrine at mga templo, at ang mga pintura sa screen na nagpapalamuti sa loob ng mga gusaling ito. Gayundin, kapansin-pansin ang pag-unlad ng mga pagpipinta ng genre na nagpapakita ng buhay ng mga tao at ang pag-unlad ng mga teknik sa paggawa ng mga keramika, mga lacquer, pagtitina at paghahabi.

“Kano Mitsunobu”

Si Kano Mitsunobu (1565-1608) ay ang unang anak ni Eitoku Kano (1543-1590), na namuno ng grupo ng mga pintor sa panahon ng Momoyama. Gumawa siya ng ilang mga pinta kasama ang kanyang ama na si Eitoku habang naglilingkod kay Oda Nobunaga at Toyotomi Hideyoshi. Gayunpaman, marami sa kanilang mga gawa ang nawala. Ang mga pinta sa screen painting ng Kangakuin na Bulwagan ng Mga Panauhin sa Templo ng Miidera ay isa sa kanyang pinakadakilang mga pinta na nagpapakita ng kanyang istilo.

“pinta na iginuhit sa screen sa Kangakuin na bulwagan ng mga Panauhin”

pinta na iginuhit sa screen sa Kangakuin na bulwagan ng mga Panauhin

Sa silid ng Ichi-no-ma, ang mga bulaklak at puno sa lahat ng apat na panahon ay inilalarawan sa mga screen na ginamitan ng kulay at tinta sa gintong background. Ang puno ng sirwelas o plum at cypress ay iginuhit sa apat na screen sa hilagang bahagi ng silid. Ang puno ng hugis sibat na cedar at sakura ay iginuhit ng tuloy-tuloy mula sa silangang sulok ng hilaga screen hanggang sa silangang screen. Ang mga rododendro sa likod ng mga bato sa tabing tubig sa timog na sulok ng dalawang screen sa silangang bahagi, at ang mga haydrangeya, iris, cedar at mga dahon ng taglagas ay nasa apat na pintuang kahoy na mairado sa timog na bahagi, na sinusundan ng pinta ng talon at mga bundok na tatatakpan ng niyebe sa harapan ng malaking alcove sa kanlurang bahagi. Ang bawat isa ay may iba't ibang istilo ni Kano Eitoku, ang ama ng pintor na si Kano Mitsunobu, at ang kanyang mga pinta ay lumikha ng isang matahimik at kaaya-ayang kapaligiran, na nagpapakita ng kanyang mga natatanging talino.
Sa silid ng Ni-no-ma, ang mga bulaklak at ibon ay iginuhit sa 24 na screen na gumagamit ng mga kulay sa pangkaraniwang papel. Ang mga puno ng pino ay ang sentro ng pinta at ang mga sanga nito at umaabot mula sa hilagang-kanlurang sulok hanggang sa magkabilang bahagi sa kaliwa at kanan. Inilalawaran din ang puno ng pino at wisteria, ibon, pato at mandarin na pato. Bukod dito, makikita rin ang mga maya sa kawayan at mga wagtail sa mga batuhan sa silangang bahagi, at mga ibon tulad ng heron sa mga tambo sa tabing-tubig sa timog na bahagi. Ang mga ito ay naglalarawan ng likas na tanawin at pagbabago ng panahon na nagpapahayag ng kasigla-siglang pakiramdam.

“estatwa ng Kannon na may labing-isang mukha”

estatwa ng Kannon na may labing-isang mukha

Ang dating pangunahing imahe ng Templo ng Bizoji na isa sa mga sangay ng Templo ng Miidera. Mula sa ulo ng Kannon hanggang sa pedestal na may disenyo ng bulaklak ng lotus, ito ay ginawa mula sa isang piraso ng puno ng cypress. Ito ay isang uri ng eskultura na gumagamit ng kahoy na may mabangong amoy. Nagtatampok ang estatwa ng kakaibang anyo kung saan ang mukha ay may matambok na pisngi at bilugan o matabang katawan. Mayroon din itong iba pang mga katangian tulad ng palamuti sa dibdib na may eleganteng openwork at suot na damit na may katangi-tanging mga ukit. Ito ay lubos na pinahahalagahan bilang isang bihirang ukit ng esoterikong Budismo ng Tendai noong maagang panahon ng Heian dahil sa mga nabanggit na katangian.

“nakaupong estatwa ni Kariteimo”

nakaupong estatwa ni Kariteimo

Ang estatwa ay ginawa sa papamagitan ng yosegi-zukuri (binuo sa mga piraso ng kahoy) na ginamitan ng kahoy ng cypress. Ang estatwa ay may hawak na prutas na granada sa kanang kamay, isang sanggol sa kaliwang kamay at may mabait na tingin sa mukha. Nakasuot ng damit na may istilong Song (ng Tsina) na may matingkad na kulay at palamuting kirikane (gamit ang manipis na gintong palara), nakaupo siya sa isang bilog na pedestal na nakalagay ang isang paa sa kabilang hita. Ang kanyang mapagmahal na ekspresyon ng mukha at ang tumpak na hugis ng mga tupi ng damit ay nagpapakita ng mga katangian ng makatotohanang pagpapahayag na ginamit para sa mga inukit noong unang bahagi ng panahon ng Kamakura.

“nakatayong estatwa ni Kisshoten”

nakatayong estatwa ni Kisshoten

Siya ay sinasamba bilang isang diyosa ng kaligayahan, kagandahan at kayamanan sa Hapon mula noong panahon ng Nara. Ito ay ginawa sa papamagitan ng yosegi-zukuri (binuo sa mga piraso ng kahoy) na ginamitan ng kahoy ng cypress. Ang estatwa ay may hawak na hiyas sa kaliwang kamay, nakatali ang buhok na natatakpan ng tela at nakasuot ng damit na may istilong Song (ng Tsina). Ang hitsura nito ay akma sa imahe ng diyosa na namamahala sa magandang kapalaran. Ito ay ang estatwa ng isang matikas na diyosa na malinaw na nagpapakita ng makatotohanang pagpapahayag noong unang bahagi ng panahon ng Kamakura.

“nakaupong estatwa ni Chisho Daishi”

nakaupong estatwa ni Chisho Daishi

Isang nakaupong estatwa ni Chisho Daishi (814-891) na nagtatag ng Templo ng Miidera. Ginaya nito ang nakaupong estatwa ni Chuson Daishi, isang Pambansang Kayamanan na nakalagay sa Bulwagan ng Toin. Mula ulo hanggang tuhod at ang gilid ng kasuotan ng estatwa ay ginawa gamit ang isang piraso ng kahoy ng cypress. Ang kabuuan ay may magandang kulay at ang kanyang kalmado at banayad na ekspresyon ay nagpapaalala sa atin ng matinding pagpipitagan ng mga tao sa kanya.