“Tokugawa Ieyasu”
Si Tokugawa Ieyasu (1542-1616) ang unang shogun ng Tokugawa Shogunate (nanungkulan noong 1603-1605). Matapos manungkulan sa ilalim ni Yoshimoto Imagawa, kumampi siya kay Nobunaga Oda at nakipagkasundo kay Hideyoshi Toyotomi. Noong ika-18 taon ng Tensho (1590), inalok sa kanya ang walong lalawigan ng Kanto at pumasok siya sa Kastilyo ng Edo. Noong ika-5 taon ng Keicho (1600), natalo niya si Mitsunari Ishida at iba pa sa Digmaan ng Sekigahara, at noong 1603 siya ay hinirang bilang Seii Taishogun at itinayo ang Edo Shogunate. Nang siya ay nagretiro, ipinasa niya ang shogunate kay Tokugawa Hidetada at tinawag siyang Ogosho. Kahit na nagretiro siya sa Sunpu noong 1607, kabilang siya sa mga nagpapasya ng mga mahalagang bagay. Winasak niya ang angkan ng Toyotomi sa pamamagitan ng Pagkubkob sa Osaka at itinatag ang pundasyon ng shogunate na tumagal ng higit sa 260 taon. Tinawag siyang Toshodaigongen pagkamatay.
“Templo ng Sesonji”
Isang templo ng sekta ng Soto sa Hiso, Oyodo-cho, Yoshino-gun ng Nara Prefecture. Ito ay isang lumang templo na inaakalang itinayo sa kanang pampang ng Ilog Yoshino mula sa panahon ng Asuka hanggang sa unang bahagi ng panahon ng Hakuho. Ang dating tawag dito ay Templo ng Hisodera. Ang bakuran nito at labi ng Templo ng Hisodera ay itinalaga bilang Pambansang Makasaysayang Lugar noong 1927. Tinatawag din itong Templo ng Yoshinodera at Templo ng Genkoji.
“Toyotomi Hideyoshi”
Isang punong mandirigma noong panahon ng Azuchi-Momoyama. Una niyang pinagsilbihan si Nobunaga Oda, at nang mamatay si Nobunaga dahil sa Insidente ng Honnoji noong ika-10 taon ng Tensho (1582), mabilis siyang gumawa ng pangalan para sa kanyang sarili bilang kahalili, tinalo ang mga kaaway na pwersa at pinag-isa ang bansa. Mula ng ika-11 na taon ng Tensho (1583), sinimulan niya ang pagtatayo ng Kastilyo ng Osaka, na may limang palapag sa labas at walong palapag sa loob, na angkop para sa makapangyarihang pinuno. Habang tinawag siyang Hotaiko, umunlad ang marangyang kultura ng Momoyama, kabilang ang mga seremonya ng tsaa at pagpipinta ng paaralan ng Kano.
Ang relasyon ng Templo ng Miidera at Hideyoshi ay karaniwang mabuti, ngunit noong ika-4 na taon ng Bunroku (1595) at mga huling taon ng kanyang buhay, bigla siyang naglabas ng isang kautusan na kumpiskahin ang lahat ng mga ari-arian ng templo. Pagkamatay ni Hideyoshi noong Agosto ng ika-3 taon ng Keicho (1598), ibinalik ang Templo ng Miidera sa dating kalagayan ng kanyang legal na asawa, si Kita no Mandokoro.
“Kastilyo ng Fushimi”
Isang kastilyong itinayo ni Toyotomi Hideyoshi sa Bundok ng Higashi-fushimi, Fushimi-ku, Kyoto mula noong unang taon ng Bunroku (1592). Ito ay gumuho dahil sa lindol noong 1596 at muling itinayo sa Bundok ng Kohata. Pagkatapos, nakontrol ang mga checkpoint o himpilang siyasatan sa Kyoto. Nang maglaon, ito ay inabandona ng Edo Shogunate at ang mga labi ay inilipat at hanggang ngayon ay matatagpuan sa mga lugar tulad ng Templo ng Daitokuji, Templo ng Nishi Honganji at Shrine ng Toyokuni.
“estatwa ng Shaka Triad”
Isang triad na porma na may estatwa ni Shaka (Gotama Siddhartha) sa gitna at dalawang kyoji sa magkabilang gilid. Para sa kyoji, alinman sa mga sumusunod na kumbinasyon ng dalawang bodhisattva ay karaniwang inilalagay: Monju (Manjushri) at Fugen (Samantabhadra), Yakuo (Bhaisajyaraja) at Yakujo (Bhaishajyasamudgata) o Anan (Ananda) at Kasho (Kasyapa).
“balustrade”
Isang handrail o gabay na hawakan na nakakabit sa panlabas na gilid ng koridor na pumapalibot sa sahig para sa proteksyon ng pagkahulog.
“kumimono”
Ito ay karaniwang matatagpuan sa tuktok ng isang haligi. Ang istraktura nito ay magkasalabid na mga bloke at bracket sa sumusuporta sa eave purlin na sumusuporta naman sa rafter o tahilan. Tinatawag din itong tokyō o masugumi.
“mitesaki”
Isa sa tokyō (isang sistema ng pagsuporta sa mga bloke o block at bracket). Kung titingnan sa gilid, tatlong bearing block ang nakakabit sa dingding, na gumagawa ng tatlong hanay ng mga bloke.
“sorin”
Ang bahaging metal na inilalagay sa tuktok ng pagoda. Bagaman isang bahagi lamang nito ang binubuo ng kurin (siyam na singsing), ang buong bahagi ng sorin ay karaniwang tinatawag na kurin (ku ay nangangahulugan ng siyam sa wikang Hapon).