“Chisho Daishi”
Ipinanganak sa Lungsod ng Zentsuji, sa kasalukuyang Kagawa Prefecture noong ika-5 taon ng Konin (814). Ang ama ay mula sa angkan ng Wake at ang ina ay pamangkin ni Kukai. Pumunta siya sa Bundok ng Hiei sa edad na 15 at naging alagad ni Gishin (778-833). Sa edad ng 40, pumunta siya sa Tang (Tsina) noong ika-3 taon ng Ninju (853), nag-aaral ng Tendai at esoterikong Budismo sa Bundok ng Tendai at Chang’an. Nang lumaon, itinuro niya sa ibang tao ang kanyang pinag-aralan pagkabalik sa Hapon. Inimbak niya ang mga banal na kasulatan na dinala mula sa Tang sa Bulwagan ng Toin at nanungkulan bilang unang punong tagapangasiwa. Pagkatapos ay nagtatag siya ng isang pundasyon upang isulong ang Templo ng Miidera sa pangunahing templo ng sangay na Jimon sa pamamagitan ng paghirang sa Templo ng Miidera bilang isang sangay na templo ng sekta ng Tendai. Siya ay hinirang bilang ikalimang punong monghe ng Tendai noong ika-10 taon ng Jogan (868) at inialay ang kanyang sarili sa kaunlaran ng Budismo sa loob ng mahigit na 23 taon. Namatay siya noong Oktubre 29 ng ika-3 taon ng Kanpyo (891).
“libingan o mosoleum”
Sa wikang Hapon, ito ay gobyo, ang marangal na salita o honorific word para sa byo, na isang lugar kung saan sinasamba ang mga espiritu ng mga ninuno.
“Emperador Seiwa”
Si Emperador Seiwa (850-880) ay naghari noong unang bahagi ng panahon ng Heian. Ang ika-apat na prinsipe ni Emperador Montoku. Ang kanyang ina ay si Fujiwarano Akirakeiko (Fujiwara no Meishi). Ang kanyang dating pangalan ay Korehito at tinawag din siyang Mizunoo-tei. Ang kanyang lolo sa ina na si Fujiwara no Yoshifusa at nanungkulan bilang sessho o pansamantalang emperador dahil sa kanyang murang edad. Namuhay siya ng isang tapat na buhay na Budista at nag-ahit ng kanyang buhok noong ika-3 taon ng Gangyo (879). Pagkamatay, tinawag siyang Soshin. (naghahari ng taong 858-876)
“denpokanjo”
Isang mahalagang ritwal sa relihiyon na ginagawa kapag ang disipulo ay nakabisado ang mga turo ng esoterikong Budismo at nagtagumpay sa posisyon na Ajari (Acharya), isang nakatatandang guro. Nagmula ito sa mga koronasyon ng mga sinaunang hari at prinsipe ng India, kung saan ibinubuhos ang tubig sa kanilang mga ulo.
“Toyotomi Hideyoshi”
Isang punong mandirigma noong panahon ng Azuchi-Momoyama. Una niyang pinagsilbihan si Nobunaga Oda, at nang mamatay si Nobunaga dahil sa Insidente ng Honnoji noong ika-10 taon ng Tensho (1582), mabilis siyang gumawa ng pangalan para sa kanyang sarili bilang kahalili, tinalo ang mga kaaway na pwersa at pinag-isa ang bansa. Mula ng ika-11 na taon ng Tensho (1583), sinimulan niya ang pagtatayo ng Kastilyo ng Osaka, na may limang palapag sa labas at walong palapag sa loob, na angkop para sa makapangyarihang pinuno. Habang tinawag siyang Hotaiko, umunlad ang marangyang kultura ng Momoyama, kabilang ang mga seremonya ng tsaa at pagpipinta ng paaralan ng Kano.
Ang relasyon ng Templo ng Miidera at Hideyoshi ay karaniwang mabuti, ngunit noong ika-4 na taon ng Bunroku (1595) at mga huling taon ng kanyang buhay, bigla siyang naglabas ng isang kautusan na kumpiskahin ang lahat ng mga ari-arian ng templo. Pagkamatay ni Hideyoshi noong Agosto ng ika-3 taon ng Keicho (1598), ibinalik ang Templo ng Miidera sa dating kalagayan ng kanyang legal na asawa, si Kita no Mandokoro.
“pagkumpiska sa lahat ng mga pag-aari”
Ang kahulugan ng kessho ay lupang walang may ari. Noong pahanon ng Kamakura at Muromachi, ang lupa ay nawawalan ng may ari kung ito ay kinumpiska ng shogunate dahil napatunayang may ginawang kasalanan ang may ari. Ito rin ay nangangahulugan ng lupa na walang may ari at pagkukumpiska ng mga lupa at ibang ari-arian.
“hogyo-zukuri”
Isang uri ng bubong kung saan ang mga sulok ng kuwadradong gusali ay natitipon sa gitna. Tinatawag ding hugis tolda o tent na bubong.
“Bubong na gawa sa balat ng punong cypress”
Bubong na gawa sa balat ng punong cypress na ginagamitan ng pako na gawa ng kawayan para pirmihin o hindi gumalaw.
“nakatayong estatwa ng Kifudo”
Isa sa tatlong dakilang Acala (Fudo Myo-o). Tinatawag ding Dilaw na Fudo Myo-o. Si Chisho Daishi Enchin (814–891), ang muling nagtayo ng Templo ng Miidera, ay naramdaman ang presensya ng isang Acala sa panahon ng kanyang pagsasanay sa Bundok ng Hiei, at iginuhit niya ang pigura nito. Ito ay itinalaga bilang isang Pambansang Kayamanan dahil ito ang pinakalumang pintang Budismo na naglalarawan kay Fudo Myo-o. Batay sa pinta na ito, ang estatwa at ang pinta ay ginawa noong panahon ng Kamakura. Dahil sa pagpoprotekta ng Kifudo kay Chisho Daishi sa kanyang buong buhay at sinasamba ng iba't ibang sekta dahil sa kamangha-manghang mirakulo nito, ang Templo ng Miidera ay naibilang bilang isa sa mga sentral na templo ng pagsamba sa Fudo Myo-o.