“Bubong na gawa sa balat ng punong cypress”
Bubong na gawa sa balat ng punong cypress na ginagamitan ng pako na gawa ng kawayan para pirmihin o hindi gumalaw.
“karahafu”
Isang kakaibang bubong na may gable o kabalyete sa gitnang itaas at malumanay na umaagos na mga kurba sa kaliwa at kanan.
“mukaikaramon”
Ang pasukan na may karahafu bargeboard sa harap.
“haliging prism na tinanggalan ng mga kanto”
Ang mentori ay ang pagtanggal ng mga kanto sa haliging prismo. Ang pinakakaraniwang paraan ay ang kirimen kung saan gumawa ng sa 45° anggulo sa pagitan ng dalawang 90° anggulong panig ng apat na sulok ng prismo. Batay sa lapad ng haligi, kung malaking bahagi ng kanto ang tinanggal ito ay tinatawag na omentori, kung konting bahagi lang ang tinanggal ito ay itomen at kung ang kanto ay hiniwaan papasok para magkaroon ng 90° anggulo ay tinatawag na sumiiri.
“sankarato”
Isang pinto na may manipis na panel at lattice na renji na nakalagay sa mga maliit na frame sa panlabas na frame ng pinto.
“renji”
Kahoy na balangkas kung saan ang kumiko ay nakaayos nang patayo o pahalang.
“itakaerumata”
Isang disenyo ng inukit na kahoy na kung saan ang magkabilang gilid nito ay lumalapad patungo sa ibaba na may mga kurba, tulad ng isang palaka na nakabukaka (kaeru ay palaka at mata ay pundya sa wikang Hapon) at matatagpuan sa pagitan ng dalawang magkadugtong na tahilan. Kung hindi, ang pangalan nito ay iniulat na nagmula sa karimata, ang hugis ng dulo ng palaso, na ang gilid nito ay nahahati sa dalawa.
“panahon ng Momoyama”
Isa sa mga klasipikasyon ng mga panahon ng Hapon. Ang humigit-kumulang 20 taon ng panahon habang si Toyotomi Hideyoshi ay namumuno noong huling bahagi ng ika-16 na siglo. Sa kasaysayan ng sining, ito ay mahalaga bilang isang panahon ng transisyon mula sa medyebal na panahon hanggang sa maagang modernong panahon, kabilang ang panahon ng Azuchi-Momoyama hanggang sa unang bahagi ng panahon ng Edo. Sa partikular, binuo ang pagtatayo ng mga kahanga-hangang mga kastilyo, mga palasyo, mga shrine at mga templo, at ang mga pintura sa screen na nagpapalamuti sa loob ng mga gusaling ito. Gayundin, kapansin-pansin ang pag-unlad ng mga pagpipinta ng genre na nagpapakita ng buhay ng mga tao at ang pag-unlad ng mga teknik sa paggawa ng mga keramika, mga lacquer, pagtitina at paghahabi.
“shishiguchi”
Tulad ng onigawara, ang mga baldosa o tisa na inilagay sa magkabilang dulo ng gusali upang palamutihan ang gable na bubong. Kahit na ito ay tinatawag na shishiguchi (shishi ay leon sa wikang hapon), wala itong guhit ng mukha ng leon. Ang mga baldosa ay binubuo ng kyonomaki, hugis scroll na baldosa, at hire, mga baldosa na umaabot sa magkabilang panig na matatagpuan sa ibabang bahagi.
“sangawara”
Ito ay isang paraan ng pagbububong na gumagamit lamang ng isang uri ng baldosa o tisa na may corrugated na cross section. Ang pamamaraan ay naimbento sa panahon ng Edo (1603–1868). Tinawag din itong pinasimpleng baldosa o tisa dahil ito ay mas matipid kaysa sa mga pormal na baldosa o tisa sa bubong. Sa kasalukuyan, ang mga tradisyonal na bahay at gusaling tirahan ay may ganitong uri ng bubong.
“inskripsyon ni Nishimura Hanbe Masateru”