“Chisho Daishi”
Ipinanganak sa Lungsod ng Zentsuji, sa kasalukuyang Kagawa Prefecture noong ika-5 taon ng Konin (814). Ang ama ay mula sa angkan ng Wake at ang ina ay pamangkin ni Kukai. Pumunta siya sa Bundok ng Hiei sa edad na 15 at naging alagad ni Gishin (778-833). Sa edad ng 40, pumunta siya sa Tang (Tsina) noong ika-3 taon ng Ninju (853), nag-aaral ng Tendai at esoterikong Budismo sa Bundok ng Tendai at Chang’an. Nang lumaon, itinuro niya sa ibang tao ang kanyang pinag-aralan pagkabalik sa Hapon. Inimbak niya ang mga banal na kasulatan na dinala mula sa Tang sa Bulwagan ng Toin at nanungkulan bilang unang punong tagapangasiwa. Pagkatapos ay nagtatag siya ng isang pundasyon upang isulong ang Templo ng Miidera sa pangunahing templo ng sangay na Jimon sa pamamagitan ng paghirang sa Templo ng Miidera bilang isang sangay na templo ng sekta ng Tendai. Siya ay hinirang bilang ikalimang punong monghe ng Tendai noong ika-10 taon ng Jogan (868) at inialay ang kanyang sarili sa kaunlaran ng Budismo sa loob ng mahigit na 23 taon. Namatay siya noong Oktubre 29 ng ika-3 taon ng Kanpyo (891).
“libingan o mosoleum”
Sa wikang Hapon, ito ay gobyo, ang marangal na salita o honorific word para sa byo, na isang lugar kung saan sinasamba ang mga espiritu ng mga ninuno.
“Emperador Seiwa”
Si Emperador Seiwa (850-880) ay naghari noong unang bahagi ng panahon ng Heian. Ang ika-apat na prinsipe ni Emperador Montoku. Ang kanyang ina ay si Fujiwarano Akirakeiko (Fujiwara no Meishi). Ang kanyang dating pangalan ay Korehito at tinawag din siyang Mizunoo-tei. Ang kanyang lolo sa ina na si Fujiwara no Yoshifusa at nanungkulan bilang sessho o pansamantalang emperador dahil sa kanyang murang edad. Namuhay siya ng isang tapat na buhay na Budista at nag-ahit ng kanyang buhok noong ika-3 taon ng Gangyo (879). Pagkamatay, tinawag siyang Soshin. (naghahari ng taong 858-876)
“denpokanjo”
Isang mahalagang ritwal sa relihiyon na ginagawa kapag ang disipulo ay nakabisado ang mga turo ng esoterikong Budismo at nagtagumpay sa posisyon na Ajari (Acharya), isang nakatatandang guro. Nagmula ito sa mga koronasyon ng mga sinaunang hari at prinsipe ng India, kung saan ibinubuhos ang tubig sa kanilang mga ulo.
“lugar ng pagsamba”
Ang bulwagan sa harap ng honden (pangunahing bulwagan) ng shrine o templo na lugar para sa pagsamba.
“irimoya-zukuri”
Ang isang kabalyete o gable (kirizuma-zukuri) ay nasa itaas na panig at bumubuo ng isang solong bubong at isang hip na bubong ay nakakabit sa apat na gilid sa ibabang bahagi ng kabalyete o gable.
“Bubong na gawa sa balat ng punong cypress”
Bubong na gawa sa balat ng punong cypress na ginagamitan ng pako na gawa ng kawayan para pirmihin o hindi gumalaw.
“nokikarahafu”
Isang karahafu gable na nakakabit sa gilid ng ambi o eave bilang palamuti. Karaniwan itong inilalagay sa harap na pasukan ng gusali.
“panahon ng Heian”
Ang panahon ng Heian ay tumagal ng halos 400 taon sa pagitan ng paglipat ng kabisera ni Emperador Kanmu noong 794 at pagtatatag ng Kamakura Shogunate noong 1185, at ang sentral na administrasyon ay nasa Heian-kyo (sa kasalukuyang Kyoto). Ito ay nahahati sa tatlong panahon: ang una, gitna, at huling bahagi ng pahahon ng Heian. Sa madaling salita, ang panahon ng muling pagbuhay sa sistemang pampulitika batay sa mga kodigo ng Ritsuryo, ang panahon ng pansamantalang pamumuno at ang panahon ng Insei (pamamahala ng isang retiradong emperador), ayon sa pagkakabanggit. (Ang katapusan ng huling bahagi ng pahanon ng Heian ay pinamunuan ng angkan ng Taira.) Tinatawag ding panahon ng Heian Court.